Hinimok ng Department of Health (DOH) ang mga kandidato sa 2022 elections na iwasang magsagawa ng campaign sorties at caravans na maaaring magresulta sa overcrowding sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Tugon ito ng D.O.H. matapos ang pagbisita ni presidential candidate at dating senador Bongbong Marcos sa San Jose City, Nueva Ecija na dinumog ng maraming tao.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, umaasa silang mapapanatili ang mababang kaso ng COVID-19 upang magkaroon ng masayang pasko ang mga Pilipino at makakamit lamang ito kung susunod sa minimum public health standards.
Sa tala ng D.O.H., umabot sa 543 ang nadagdag sa mga bagong kaso ng COVID-19 sa bansa.
Magugunitang itinakda naman ng commission on elections simula Pebrero a-otso hanggang Mayo a-syete ang kampanya para sa national positions habang sa Marso 25 hanggang Mayo a-syete sa local positions. —sa panulat ni Drew Nacino