Sumuko na sa mga otoridad ang ang isang dating bomb maker ng Daulah Islamiya sa Carmen, North Cotabato.
Sinabi ni Joint Task Force Central Commander Mgen Juvymax Uy sa panawagan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa mga rebelde at lokal na terrorista na sumuko na.
Ayon kay Uy, kabilang umano sa itinuturing na high value target ang sumukong terorista.
Bukod dito, isinuko na rin ng naturang bomb maker ang kaniyang mga armas na hawak na ngayon ng militar.
Dahil dito, ipapasok ang sumukong terrorista sa Dapat Iwaksi at Wakasan ang Terorismo at Armadong Pakikibaka – Hadlangan (DIWATA HAVEN) o ang violent extremism program sa North Cotabato kung saan makatatanggap siya ng tulong pangkabuhayan at pinansyal. —sa panulat ni Jam Tarrayo, sa ulat ni Jaymark Dagala (Patrol 9)