Alam niyo na ba na may masamang maidudulot sa katawan ng tao ang sobrang pagkain ng nilagang itlog?
Ang pagkain kasi ng boiled egg ng tatlo o higit pang beses sa isang araw ay posibleng makapag-trigger ng heart attack.
Ang nilagang itlog ay karaniwang ginagamit ng mga taong nagbabawas ng timbang kung saan, base sa kanilang paniniwala, ito ay nakakatulong sa pagdyedyeta.
Ayon sa National Heart Foundation of Australia, ang mga itlog ay naglalaman ng lahat ng nutrisyon na kailangan ng ating katawan kabilang na ang calories, proteins, healthy fats, folate, calsium, zinc, phosphorus, selenium at vitamins A, B5, B12, B2, B6, D, E at K na talaga namang mas mura kumpara sa ibat-ibang mga supplements.
Bukod pa dito, nagtataglay din ang itlog ng omega-3 fatty acids na healthy fats at dietary cholesterol na nakakatulong upang mapababa ang heart rate.
Nakakalinaw din ito ng mata at nakakapagpatibay ng ating mga buto partikular na sa mga bata.
Samantala, nakakapagpababa din ito ng blood pressure levels at nakakapagpabuti ng blood vessel function at kaya nitong i-delay ang pag-build ng plaque sa coronary arteries.—sa panulat ni Angelica Doctolero