Inihayag ni Health Secretary Francisco Duque, III na pinalawig na ang shelf life ng mga na-expire na COVID-19 vaccines.
Aniya, nakipag-ugnayan ang pamahalaan sa Pfizer hinggil sa mga expired na bakuna at matapos ang isinagawang stability studies ay pinahaba ang expiration date nito ng tatlo pang buwan.
Hindi naman sinabi ng kalihim kung ilang mga bakuna ang sakop ng napalawig na expiry date.
Ayon pa kay Duque, nakipag-ugnayan na rin siya sa mga kinatawan ng astrazeneca upang alamin kung maaari pang magamit ang mga expired na bakuna nang hindi nababawasan ang efficacy nito.
Mababatid na halos 14,000 doses ng Astrazeneca ang nag-expire kamakailan sa Negros Occidental na hindi na nagamit sa kanilang vaccination drive.