Pinaboran ni Pangulong Rodrigo Duterte ang unti-unting pagbabalik ng face-to-face classes sa Metro Manila maging sa iba pang lugar sa bansa.
Makalipas ang halos dalawang taon, nito lamang Lunes ay sinimulan na ang pilot implementation ng face-to-face classes para sa dalawang libong pampublikong mag-aaral sa 28 eskwelahan sa Metro Manila.
Ayon kay Duterte, mas makakabuti kung hindi bibiglain ang pagbabalik ng klase ng mga estudyante lalo pa ngayong may panibagong virus na Omicron variant.
Dapat din na maging doble-ingat ang mga estudyante laban sa banta ng COVID-19.
Samantala, humingi naman ng pang-unawa sa publiko si Pangulong Duterte dahil marami pang lugar ang hindi pa kasali sa face-to-face classes hanggang sa ngayon.—sa panulat ni Angelica Doctolero