77 lugar na lamang sa bansa ang nakasailalim sa granular lockdown.
Ayon kay Interior Secretary Eduardo Año, ang mga lugar na naka-lockdown ay nasa loob ng 18 lokal na pamahalaan at 61 barangay at 99 na households ang apektado.
Pinakamaraming lugar na naka-lockdown sa Cordillera Region.
Sa NCR, walong barangay na lamang ang naka-lockdown sa loob ng tatlong LGUs kung saan apektado ang 26 na households o 70 indibidwal.
Ayon sa kalihim, nangangahulugan lamang ito na epektibo ang ipinatutupad na alert level system ng pamahalaan.
Maliban dito, bumaba na rin aniya ang bilang ng mga lumalabag sa mga minimum public health standards
Iniulat ni Año na simula November 8 hanggang December 2, nasa 44, 905 ang naitalang hindi sumunod sa pagsusuot ng face mask, 631 ang lumabag sa mass gatherings at 19,363 naman sa physical distancing.