Apat na araw nang nasusunog ang isang cargo ship na may kargang mga kahoy sa karagatan ng Gothenburg sa Sweden.
Maliban sa mga kahoy ay may karga rin itong langis.
Iba’t ibang organisasyon kabilang ang Swedish Coast Guard ang nagtulong-tulong sa pag-apula ng apoy.
Ayon sa tagapagsalita ng coast guard, gumagamit sila ng drones upang ma-monitor ang sunog.
Wala naman umanong nasugatan ngunit hamon para sa kanila ang sama ng panahon.
Sinabi rin nito na wala namang banta ng oil spill ngunit tiniyak nito na handa sila sakaling magkaroon nito .