Arestado ang isang family driver sa Cavite matapos umanong tangayin ang sasakyan at pera ng kaniyang amo na aabot sa isang milyong piso.
Ayon kay Cavite CIDG Police Major Adrian Cayabyab, kinilala ang suspek na si Roy Pader, 41 anyos at pitong buwan na nanilbihan bilang drayber sa kaniyang amo.
Natunton ng otoridad ang suspek matapos nitong magpost sa social media kung saan makikita na umiinom ito sa isang night club kasama ang ilang babae.
Naaresto si pader sa isang motel at narekober mula rito ang isang baril at tinangay na sasakyan.
Samantala, tumangging magbigay ng pahayag ang kampo ng biktima. —sa panulat ni Airiam Sancho