Inihayag ni Economist Professor Emmanuel Leyco na posibleng patuloy na bumaba ang inflation o ang antas ng pagtaas ng mga presyo ng bilihin sakaling patuloy na bumaba ang presyo ng krudo at gumanda ang ani ng mga magsasaka.
Aniya, naitala noong Nobyembre ang pinakamababang inflation rate ng bansa na pumalo sa 4.2%.
Kaugnay nito, sinabi niya na dapat pa ring bantayan ang epekto ng nasabing inflation sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas.
Matatandaan nitong Nobyemre, naitala sa Davao Region ang pinakamataas na inflation rate habang sa Bangsamoro Autonomous Region of Muslim Mindanao (BARMM) naman ang pinakamababa. —sa panulat ni Airiam Sancho