Inihayag ng Department of Labor and Employment (DOLE) na nasa 17 milyong manggagawa na ang fully vaccinated kontra COVID-19.
Ayon kay Assistant Secretary Dominique Tutay, tumaas ang bilang ng mga empleyadong nabakunahan matapos ang isinagawang bayanihan, bakunahan program.
Sa kabila nito, mayroon pang mga empleyadong hindi nababakunahan kontra COVID-19.
Batay sa datos na inilabas ng Philippine Statistics Authority (PSA), mayroong mahigit 40 milyong employed individuals hanggang nitong Oktubre.
Magugunitang, iniatas ng Palasyo ang sapilitang pagbabakuna sa mga on-site worker sa pampubliko o pribado mang sektor nitong Disyembre.
Habang sasailalim naman ang mga hindi pa bakunadong empleyado sa RT-PCR test kada dalawang linggo kung saan sariling pera nila ang gagastusin.