Magkakaroon na ng mahusay na access ang publiko sa murang gamot lalo na ngayong panahon ng pandemya.
Ito ang sinabi ni Senator Christopher “Bong” Go makaraang purihin ang paglagda ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Executive Order (EO) No. 155 na nagpapataw ng maximum retail price sa 71 drug formulas.
Kabilang sa mga gamot na pinatawan ng maximum retail price ay gamot sa chronic disorders tulad ng diabetes, hypertension, at cancer. Gayundin sa parkinson’s disease, glaucoma at skin problem.
Sa ilalim ng naturang EO, inaatasan ang mga manufacturer, importer, distributor, wholesaler, trader or retailer ng mga naturang gamot na maglagay ng retail price.
Sasailalim sa pagsusuri ng DOH sa pakikipag konsultasyon sa dating itinakdang maximum retail price ng 71 gamot, tuwing ika-anim na buwan. —sa ulat ni Cely Ortega Bueno (Patrol 19), sa panulat ni Joana Luna