Pinawi ng isang opisyal ng WHO ang pangamba ng publiko sa mabilisang pagkalat ng COVID-19 Omicron variant.
Sinabi ni WHO Emergencies Director Michael Ryan na hindi nagpapakita ng mas malalang sintomas ang Omicron variant kumpara sa mga naunang strain ng COVID-19.
Kaugnay nito, binigyang diin din ni Ryan na kayang labanan ng mga bakuna kontra COVID-19 ang bagong variant ng COVID kaya’t walang dapat pangambahan ang publiko. —sa panulat ni Joana Luna