Nasawi ang isang tricycle driver, at isang buntis maging ang sanggol nito matapos na mabangga ng isang pick-up truck sa bayan ng Dueñas, Iloilo.
Batay sa imbestigasyon ng Dueñas PNP, nag-overtake ang pick-up sa kaharap na malaking truck ngunit bigla itong nawalan ng kontrol.
Tumilapon ang mga sakay ng traysikel at napinsala ang malaking bahagi ng isang vulcanizing shop.
Agad namang dinala sa ospital ang tricycle driver na nagtamo ng malubhang sugat sa ulo, ngunit idineklara itong dead on arrival.
Hindi na rin naisalba ang buhay ng ginang at maging ang sanggol na nasa sinapupunan nito.
Nakatakdang sampahanan ng kasong Reckless Imprudence Resulting in Multiple Homicide, Multiple Serious Physical Injuries and Damage to Property ang driver ng pick-up truck.