Ibinabala ng Philippine Institute of Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang posibleng pagbabalik ng haze mula Indonesia.
Ayon kay PAGASA Climate Monitoring and Predictions Section Officer-in-Charge Anthony Lucero, maaaring maranasan muli sa ilang bahagi ng Pilipinas ang haze sa oras na tangayin ito ng hangin dulot ng bagyo.
Bagaman, ang bagyong Lando anya ang sanhi ng pagkakaron ng haze sa Pilipinas ay swerte ang bansa dahil saglit lamang na panahon ang itinagal ng usok.
Sakali anyang magkaroon ng isa pang bagyo ay maaari hatakin ng hangin nito ang usok mula Indonesia patungong Pilipinas.
Sa ngayon ay tatalo pang bagyo ang inaasahang papasok sa bansa bago magtapos ang taon.
By Drew Nacino | Ratsada Balita