Nasa Pilipinas na ang Source Code ng automated election system na gagamitin sa 2022 Polls.
Inihatid mismo ang Source Code mula sa United States ni COMELEC Commissioner Marlon Casquejo.
Alinsunod sa Poll Automation Law, dapat itago at isailalim sa pangangalaga ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang Source Code.
Gayunman, nasa kustodiya pa ito ng Information Technology Department (ITD) ng poll body.
Ayon kay COMELEC Spokesman James Jimenez, hindi pa nila naihahanda ang BSP at may vault naman sa ITD na mayroong access restriction.
Layunin ng pag-deposit ng Source Code sa BSP na tiyaking mayroong trusted copy na imposibleng galawin o baguhin ng sinuman.
Isasailalim naman sa test ang naturang system sa mock elections sa December 29.