Arestado ng mga otoridad ang isang suspek na kinilalang si Prince Psalmuel Palero, alias Sam Palero, 29-anyos sa buy-bust operation sa Barangay Talisay, Tiaong, Quezon Province.
Ayon sa Quezon Police Provincial Office, nahuli si Palero matapos maaktuhang nagbebenta ng isang pakete ng hinihinalang shabu sa halagang P2, 040 sa isang pulis na nagpanggap na poseur buyer.
Narekober sa suspek ang tatlong pakete pa ng shabu na may bigat na aabot sa 3.44 grams at nagkakahalaga ng mahigit kumulang P70K.
Nasa kustodiya na ng mga otoridad ang suspek at nahaharap sa kasong Ra 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. —sa panulat ni Angelica Doctolero