Umabot na sa halos 20,000 COVID-19 cases ang naitala sa South Africa, kabilang ang 36 deaths sa loob ng isang araw, simula nang madetect ang panibagong variant na Omicron.
Gayunman, hindi pa malinaw kung gaano karami sa mga impeksyon ang idinulot ng Omicron, lalo’t maliit na bahagi lamang ng samples ang na-sequence.
Ayon sa National Institute for Communicable Diseases, umabot na sa 3,071,000 ang kabuuang COVID cases kabilang ang 90,000 death toll.
Naniniwala naman ang mga health expert sa South Africa na ang pagsirit ng COVID-19 cases ay dulot ng Omicron variant dahil mas nakahahawa ito kumpara sa delta pero hindi gaanong nakamamatay.