Hindi dapat na magpakampante ang mga Pilipino laban sa COVID-19.
Ito ang sinabi ni Philippine Foundation for Vaccination Director, Doctor Lulu Bravo kaugnay sa inanunsyo ng ilang mga Health Advocate at Department of the Interior and Local Government (DILG) na nakamit na ng 23 syudad ang herd immunity.
Aniya, wala pang ebidensya na ang ‘acquired herd immunity’ ay magiging epektibo laban sa Omicron variant.
Sinabi pa niya na mayroong mga batayan upang masabing naabot na ng bansa ang nabanngit na immunity. Kabilang dito ang pagbabakuna sa 80% ng populasyon.
Samantala, pinaalalahanan niya ang publiko na patuloy na mag-ingat laban sa nasabing virus. —sa panulat ni Airiam Sancho