Itinuturing ng Bureau of Quarantine (BOQ) na pinakamahigpit na guidelines ang pagpapatupad ng mandatory RT-PCR test at quarantine sa lahat ng mga Pilipino na dumarating sa Pilipinas mula sa ibang bansa.
Sa laging handa briefing sinabi ni BOQ Deputy Director Roberto Salvador, Jr., na bahagi ito ng kanilang mga hakbangin upang hindi makapasok sa bansa ang COVID-19 Omicron variant.
Humingi na aniya sila ng karagdagang tulong sa DOH para madagdagan ang kanilang manpower.
Sinabi rin ni Salvador na malaki ang naibibigay na suporta ng PCG bilang kanilang katuwang, sa pagtiyak na nasusunod ang lahat ng mga quarantine restrictions sa bawat pantalan at paliparan ng bansa. —sa ulat ni Jopel Pelenio (Patrol 17), sa panulat ni Joana Luna