Inihayag ni DICT Undersecretary Manny Caintic, na dapat na magkaroon ng karagdagan o sapat na encoders ang mga alkalde sa Metro Manila.
Ito ay para mas mapabilis at mas maging maayos ang pagkuha ng VaxCertPH ng mga nagpabakuna.
Ayon kay Caintic, upang mas mapabilis ang pagkuha ng sertipikasyon sa bakuna ay dapat na magkaroon ng tamang impormasyon mula sa mga nagpabakuna.
Sinabi naman ni Caintic na marami na sa Metro Manila LGUs ang maganda ang performance at nakakasunod ng maayos sa pag-encode sa database.
Dagdag pa ni Caintic, na ang VaxCertPH ay importante lalo na sa international travel dahil kinikilala narin ang mga ito. —sa panulat ni Angelica Doctolero