Inihayag ng mga private sector na wala silang balak na bumili ng booster shots ng COVID-19 para sa kanilang mga empleyado.
Ayon kay Presidential Adviser for Entrepreneurship Joey Concepcion, sapat pa umano ang suplay ng mga bakuna kung saan, sa loob ng anim na buwan ng susunod na taon ay hindi na muna sila bibili ng booster shots.
Sinabi pa ni Concepcion na masyado pang maaga ang pagbili ng ikatlong bakuna dahil matagal-tagal pa ang buwan na hihintayin ng mga manggagawang bakunado na at mga bagong nagpaturok bago turukan ng booster shots. —sa panulat ni Angelica Doctolero