Gagamit na ang mga Pulis sa Metro Manila ng mga yantok sa pagpapatupad ng Quarantine protocols sa pagsisimula ng simbang gabi sa December 16.
Tiniyak ni National Capital Region Police Office Director, Maj. Gen. Vicente Danao na hindi maaabuso ang paggamit sa yantok.
Magsisilbi lamang anya nila itong paalala sa publiko na panatilihin ang minimum health protocols, gaya ng pagsusuot ng face mask.
Samantala, pina-alalahanan naman ng Commission on Human Rights ang NCRPO na panatilihin ang maximum tolerance sa paggamit ng yantok, maging ang respeto sa karapatang pantao at dignidad ng mga mamamayan sa lahat ng oras.