Dumami pa ang bilang Russian Troops malapit sa Ukrainian Border, indikasyon nang nagbabadyang pananakop o pag-atake ng Russia.
Mula sa halos 100K, umabot na sa 120 sundalo na ang namataan ng Ukrainian Defense Ministry, batay sa mga Satellite Image.
Kabilang sa mga namataan ang sangkaterbang military equipment, tulad ng mga tangke, armed vehicles, sel-propelled artillery at missile launcher.
Sa nakalap na ulat ng Ukrainian Defense Ministry mula sa U.S. – Central Intelligence Agency, planong salakayin o sakupin ng Russian Forces ang Ukraine sa Enero ng susunod na taon.
Gayunman, itinatanggi ito ni Russian President Vladimir Putin at iginiit na nagsasagawa lamang sila ng military exercises.