Inihayag ni Presidential Adviser for Entrepreneurship Joey Concepcion na nakikipag-ugnayan na ang non-profit organization Go Negosyo sa pharmaceutical company na Aztrazeneca hinggil sa pagbili ng COVID-19 vaccines para sa taong 2022.
Aniya, ang nabanggit na sektor ay nag-organisa ng isang pagpupulong sa pagitan ng mga opisyal ng nasabing kumpanya upang talakayin ang pagbili ng Pilipinas ng bakunang Aztrazeneca.
Sinabi rin ni Concepcion na ang nasabing hakbang ay binigyan ng Go signal ng IATF.
Samantala, napag-usapan sa ilalim ng bagong kasunduan na magkakaroon ng kaunting pagtaas sa presyo ng mga bakuna ngunit sakop na nito ang delivery fee. —sa panulat ni Airiam Sancho