Dumating na sa Pilipinas ang mahigit tatlong milyong (3.6-M) doses ng bakunang Moderna at Aztrazeneca.
Lumapag ito sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminal 1 kaninang alas-10 ng umaga.
Kasama rito ang halos tatlong milyong dose ng bakunang Moderna (2,948,000) kung saan nasa mahigit dalawang milyong bakuna rito (2,102,000) ang binili ng gobyerno. Mahigit walong daang libo (846k) ang binili ng pribadong sektor at halos pitong daang libong (698,600) dose ng bakunang Aztrazeneca ang binili rin ng naturang sektor.
Samantala, halos 40 milyong (39.5-M) indibidwal na ang nakatanggap ng kumpletong bakuna ayon sa datos noong Disyembre a-8. —sa panulat ni Airiam Sancho