Tatalakayin ng Inter Agency Task Force (IATF) at mga piling ahensiya ng gobyerno ang apela ng isang grupo ng provincial bus na gawing full operation ang biyahe sa kapaskuhan.
Sinabi ni Acting Presidential Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles, pag uusapan umano ang hinaing at isyu ng nasabing grupo para magawa ito sa madaling panahon.
Sinabi ni nagkakaisang samahan ng Nangangasiwa ng Panlalawigang Bus sa Pilipinas Inc. (NSNBPI) Executive Director Alex Yague na nasa 70% hanggang 80% ang nawalan ng trabaho sa kanilang hanay.
Dahil dito, hinihiling nila aniya sa pamahalaan na magbukas ng ibang ruta at payagang buksan ang ilang terminal sa bansa.