Isa patay habang 18 ang sugatan, sa naganap na sunog sa Islamist-Inspired Ennahdha Party ng Tunisia.
Ayon sa partido, isang dating receptionist ang namatay sa sunog kung saan natagpuan ang kanyang katawan sa nasabing gusali.
Samantala, ang vice president ng Ennahdha Party na si Ali Laaryadh at ang advisory board head na si Abdelkarim Harouni ay kasalukuyang nasa ospital matapos silang tumalon mula sa ikalawang palapag ng gusali.
Gayunman, hindi pa malinaw kung ano ang naging sanhi ng sunog. —sa panulat ni Kim Gomez