Pag-aaralang mabuti ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang panukalang pagsasara ng EDSA-North Avenue intersection sa Quezon City.
Ayon kay MMDA Chairman Benhur Abalos, ang sinasabing proposal ng Department of Transportation (DOTr) na isara sa publiko ang isang bahagi ng intersection ay tatagal ng 30 araw.
Isinusulong umano ng DOTr ang ‘temporary closure’ ng kalsada upang mapabilis ang konstruksiyon ng Metro Rail Transit (MRT) Unified Grand Central Station.