AARANGKADA na ang pagbabakuna kontra COVID-19 sa mga batang lima hanggang labing-isang taong gulang sa Singapore.
Ayon sa health ministry, nasa 87% na ng kanilang 5.5 million population ang naturukan ng vaccine kaya’t nais na rin nitong mabakunahan ang mga menor de edad.
Ang brand na gagamitin sa pediatric population ay gawa ng Pfizer-BioNTech at ikatlong bahagi lamang ng itinurok sa adult population ang ibibigay sa mga bata.
Magugunitang lumagda ng kontrata sa Pfizer ang Singapore pero hindi tinukoy kung ilang vials ang isu-suplay ng naturang kompanya.