Negatibo ang 200 manlalakbay sa bagong omicron covid variant na mula sa South Africa na dumating sa Pilipinas.
Sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, sa lumabas na resulta sa kanilang ginawang genome sequencing, walang nagpositibo sa mga biyaherong ito sa nasabing variant.
Samantala, patuloy na monomonitor ng health department ang dalawandaan at limampu’t na manlalakbay na galing sa South Africa na dumating mula November 15 hanggang 29 bago ipinatupad ang red alert sa nasabing bansa.