Itinanggi ni presidential aspirant Senador Grace Poe ang kumakalat na e-mail kung saan ipinapalabas na hindi na siya tatakbo sa pagkapangulo.
Ayon kay Poe, tuloy ang pagsabak niya sa 2016 presidential elections.
Wala aniya siyang balak na pag-aksayahan ng panahon para alamin kung sino ang nasa likod ng nasabing bogus e-mail na may titulong “paalam”.
Gayunman, kumbinsido si Poe na posibleng may kaugnayan sa mga naglabasang disqualification case laban sa kanya ang nasa likod ng naturang e-mail.
By: Meann Tanbio I Cely Ortega-Bueno (patrol 19)