Patay ang isang 16 anyos matapos manlaban sa dalawang magnanakaw sa Quezon Province.
Kinilala ang biktima na si Don Rosas Bulawan kung saan nagtamo ito ng malalim na saksak sa kaliwang dibdib sa Edano street Barangay 9, Quezon.
Ayon kay Police Liuetenant Colonel Reynaldo Reyes, Chief of Police, naglalakad ang biktima at isang kaibigan sa Merchan Street nang hablutin ang cellphone sa isa sa mga biktima.
Nataranta at tumakbo ang mga suspek ngunit hinabol sila ng biktima at nang maabutan ay ginulpi ang mga ito ngunit isa sa mga suspek ay bumunot ng patalim at sinaksak sa dibdib ang biktima.
Samantala, nadala pa sa St. Anne General Hospital ang biktima ngunit dead on arrival ito.—mula sa panulat ni Khime Gomez