Nakikipag-ugnayan na ang Bangko Sentral ng Pilipinas sa Banco De Oro at Union Bank of the Philippines matapos ang mga reklamo sa social media hinggil sa mga account na umano’y na-hack.
Inihayag ng BSP na noong isang linggo pa nila binabantayan ang mga reklamo.
Nangako si BSP Governor Benjamin Diokno na gagawin ng Central Bank ang lahat upang matiyak ang kaligtasan at integredidad ng financial system at maprotektahan ang mga consumer.
Samantala, muling inabisuhan ng BDO ang publiko, partikular ang kanilang mga kliyente na protektahan ang kanilang bank account, gaya ng pagpapalit ng password.