Mariing itinanggi ni presidential aspirant at Senator Manny Pacquiao na hindi binayaran ng kanilang kampo ang mga dumalo sa kaniyang ikinasang motorcade.
Kasunod ito ng pahayag ng isa pang presidential aspirant ni Manila City Mayor Isko Moreno, na may ilang politiko na nagbabayad umano ng mga indibidwal upang makilahok sa rallies at motorcades.
Ayon kay Pacquiao, “legitimate die-hard supporters and believers” ang mga nagpunta sa kaniyang isinagawang motorcade kung saan, nagmistulang mga langgam ang mga nagsipunta sa ilang lugar sa Quezon City.
Sinabi din ni Pacquiao na hindi niya inakala na madami ang sasama sa kanilang motorcade para siya ay suportahan. —sa panulat ni Angelica Doctolero