NABATID na noong nakaraang taon, ang mga kampana ng simbahan at iba pang antigong pamamaraan ay ginagamit pa rin sa Barangay Tabigue, Abuyog, Leyte upang alertuhin ang mga residente sa kung ano ang nangyayari sa komunidad.
Tinatayang 1,300 ng mga naninirahan sa barangay ang nakuntento sa buhay na halos walang teknolohiya, kung saan walang cell site sa kanilang lugar.
“Dati, in case may emergency, ginagamit naming pang-signal ang kampana. ‘Pag mabilis ang tunog, ibig sabihin ay may aksidente o ‘di kaya ay may nangyari sa aming barangay,” kuwento ni Darrio Lleve, barangay captain ng Brgy. Tabigue, Abuyog, Leyte.
Pero sa pamamagitan ng massive network modernization at expansion program ng Globe, ang Brgy. Tabigue ay nagkaroon na rin sa wakas ng cell site na nagseserbisyo sa mga residente at sa mga dumadaang motorista. Nagkakaroon na ng komunikasyon ang mga residente sa isa’t isa gamit ang mobile devices.
Ang Globe cell tower ay lubhang kinakailangang imprastruktura, lalo na sa panahon ng pandemya kung kailan hindi makalabas ng bahay ang mga bata para magtungo sa eskuwelahan at kinakailangang sumubok ng ibang paraan ang mga magulang para buhayin ang kanilang pamilya.
May kasama itong 4G LTE, isang wireless technology na nagkakaloob sa mga user ng pinahusay na ‘bandwidth, latency, at capacity’, ayon kay Joel Agustin, Globe Senior Vice President for Program Delivery, Network Technical Group.
Sa misyon nitong maghatid ng #1stWorldNetwork connectivity sa mga Pilipino, pinalawak ng telco ang pagtatayo ng mga bagong cell site ngayong taon kung saan gumagamit din ito ng 4G LTE at 5G wireless technologies para sa mas mabilis na pag-download at pag-upload, mas mataas na bandwidth, at mababang latency.
Maliban dito, nakumpleto ng Globe ang 82 in-building solutions o IBS para magkaloob ng dekalidad na indoor coverage sa mga customer para sa mas malakas na mobile signals.