Nilinaw ni Food and Drug Administration Dir. Gen. Eric Domingo na posibleng local transmission ang dahilan ng pagkalat ng Omicron variant at hindi galing sa mga traveler dahil mabilis itong makahawa na maihahalintulad sa Delta variant.
Ayon kay Domingo, patuloy pang inaalam ng mga ahensya ng gobyerno kung gaano kabilis makahawa ang panibagong virus ng Covid-19.
Dahil dito, nanawagan si Domingo sa mga laboratoryo lalo pa’t wala pang aprubadong test kits sa Pilipinas na galing sa ibang bansa na mabilis maka-detect sa Omicron variant.
“Pakiusap natin don sa mga laboratories, kung mayroon po silang makita.. kasi some test-kits detecs several genes doon po sa ano virus, kapag may nakita silang positive for some genes pero negative dun sa s-gene o may drop out doon sa s-gene.. i-re-refer po nila ito for sequencing sa genome center para makita kung ito ay Omicron”
Muli namang nakiusap sa publiko si Domingo na magpaturok na ng bakuna upang maging ligtas sa panibagong variant ng Covid-19.
“All adults na wala pa pong natatanggap kahit isa at tsaka po yung mga 12-17 years old sana po dalhin na po sa ating vaccination center. Pangalawa, yung pong mga incompletely vaccinated… kung naka-isang dose palang po kayo tapos dalawang dose ang schedule niyo kunin niyo po yung second dose dahil nakakatulong. Pangatlo po, yung ating pong mga booster doses kapag nakalagpas na po ng 6 months lalo na po sa healthcare workers, senior citizens at immunocompromised and all adults po 18 years old ang above” – FDA Dir. Gen. Eric Domingo
—sa panulat ni Angelica Doctolero