Aabot sa 170 Botika ng Bayan outlets ang naitatag sa buong bansa na bahagi ng pangako ng administrasyon na makapagbigay ng access sa mga gamot para sa marginalized sector.
Ayon kay Health Undersecretary Charade Mercado-Grande, iniimplementa rin ng doh ang Botika ng Bayani program, kung saan mayroon ring mga outlet sa Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) para sa mga uniformed personnel at kanilang dependents.
Aniya, layon din ng programa na mapaunlad ang mga serbisyo sa mga primary healthcare facilities.
Sa ngayon aniya ay mayroong 167 access sites sa buong bansa kung saan 54 ay nasa Luzon, 43 sa Visayas, at 70 sa Mindanao.