Nasawi ang 11-taong gulang na batang babae habang isang 8-buwan-gulang na sanggol naman ang nagtamo ng mga paso sa katawan sa naganap na sunog sa Barangay Ibayo Tipas sa Taguig City nitong Lunes.
Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), umabot ng first alarm ang sunog at tumagal ng halos isang oras bago ito naapula.
Tinatayang aabot sa 150,000 pesos ang halaga ng ari-ariang napinsala habang 10 pamilya ang apektado.
Iniimbestigahan pa ng BFP ang sanhi ng sunog.