NAMAHAGI ng tulong ang tanggapan ni Sen. Christopher “Bong” Go sa libu-libong biktima ng Bagyong Maring sa San Juan, La Union.
Kabilang sa mga ipinamigay ng team ni Go ang grocery packs, meals, at masks sa 2,066 typhoon victims sa People’s Park sa San Juan, La Union.
Maliban dito, tumulong din ang Department of Social Welfare and Development ng financial assistance sa mga biktima ng bagyo sa pamamagitan ng kanilang Assistance to Individuals in Crisis Situations program.
Sa isang video message, ipinaalala ni Go sa publiko, lalo na ang mga nasa vulnerable sectors, na magpabakuna laban sa COVID-19 habang hinimok din ang mga local leaders na tulungan ang mga nakatatanda na mabakunahan sa kani-kanilang tahanan, kung kinakailangan.
Kasabay nito, bilang Chairman Senate Committee on Health and Demography, pinayuhan din ni Go ang mga residenteng nangangailangan ng atensyong medikal na magtungo sa alinmang 149 Malasakit Centers sa buong bansa, kabilang ang Ilocos Training and Regional Medical Center sa San Fernando City.
Sa usapin nang pagpapaigting ng disaster resilience measures at pagtiyak na magkakaroon ng ligtas at komportableng masisilungan ang mga apektadong pamilya, tiniyak din ni Go ang pagsusulong ng Senate Bill No. 1228 na naglalayong magtayo ng evacuation center sa bawat lungsod, munisipalidad at lalawigan.