Kinumpirma ni United Kingdom Prime Minister Boris Johnson nitong Lunes na may naitala nang nasawi dahil sa Omicron variant ng COVID-19.
Maliban dito ay wala nang ibinigay na anumang detalye si Johnson kaugnay sa nasawing pasyente.
Sa kaniyang pagbisita sa isang vaccination center sa West London, sinabi ng opisyal na nagkaroon na sila ng 40% ng kaso sa British Capital at tumataas rin ang bilang ng na oospital.
Ayon pa kay Johnson, posibleng makaranas muli ng paglobo ng kaso ng Omicron variant ang UK.
Sa ngayon, mayroong 1,239 na kaso ng Omicron variant sa naturang bansa.