Mananatiling magkaibigan ang Pilipinas at Tsina sa kabila ng mga isyu patungkol sa agawan ng teritoryo.
Ito ang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang Talk to the People kagabi, dahil China lang aniya ang patuloy na nagpapaabot ng tulong sa bansa.
Ani pa pangulo, ibang usapin ang pakikipag-kaibigan ng bansa sa Tsina sa isyu ng West Philippine Sea (WPS).
Magugunitang China ang unang bansa na nagpadala ng mga bakuna kontra COVID-19 sa Pilipinas. —sa panulat ni Joana Luna