Aprubado na ng Senado sa ikalawang pagbasa ang panukalang batas na naglalayong matigil ang paggawa ng mga krimen gamit ang mga cellphone at iba pang electronic device.
Sa ilalim ng Senate Bill Number 2395, oobligahin ang mga seller at reseller ng sim card na kunin ang pangalan, address at birthday ng bibili ng sim card at kailangan nitong magpakita ng government-issued ID o anumang katibayan ng identity.
Kapag ito ay naisabatas ang mga aktibo o ginagamit ng sim cards ay kailangang i rehistro sa loob ng isang taon. Maaring i-deactivate ng telecommunications company (TELCO) ang sim cards hindi pina-rehistro.
Nakasaad din sa panukala na magiging confidential ang impormasyon ukol sa sim card buyer maliban na lang kung hingin ng korte o sa anumang lehitimong imbestigasyon.
Samantala, ang sim card buyer na magbibigay ng pekeng pangalan o impormasyon ay makukulong ng 6 hanggang 12 taon habang ang seller o reseller na ilegal na magsasapubliko ng impormasyon ay pagmumultahin ng hanggang 200,000 piso. —sa ulat ni Cely Ortega-Bueno (Patrol 19), sa panulat ni Joana Luna