Dapat tiyakin ng Banko Sentral ng Pilipinas (BSP) na maibabalik ang perang nawala sa mga kliyente ng Banco De Oro (BDO) sa halip na palitan ng larawan ng agila ang 1,000 piso.
Ito’y ayon kay Assistant Minority Leader at Gabriela Partylist Representative Arlene Brosas, dapat aniyang magtulungan ang BSP at Anti-Money Laundering Council na madaliin ang imbestigasyon at palakasin ang Data Privacy maging seguridad sa sistema ng banko.
Batay sa tala ng Bankers Association of the Philippines hindi bababa sa isang bilyong pisong halaga ng pera ng mga kliyente sa bangko ang nawala dulot ng online scam ngayon taon. —sa ulat ni Tina Nolasco (Patrol 11), sa panulat ni Joana Luna