Magiging neutral ang administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte para sa darating na 2022 elections.
Ito ang inihayag ng Pangulo matapos ang recap nito sa summit for democracy na inorganisa ng United States mula December 9 hanggang 10.
Tiniyak ng Pangulo sa publiko na walang kakampihan o magiging kalaban ang administrasyon sa pagdaraos ng halalan sa susunod na taon.
Bagama’t hindi naman ipinaliwanag ang ibig-sabihin ng neutral, nilinaw nito sa publiko na magiging mapayapa ang halalan at babantayang maigi ang banta sa terorismo at vote-buying.
Kasunod nito, hinimok din ng Pangulo ang Commision on Elections o COMELEC na panatilihing nasusunod ang health protocols sa mga lugar na pagdarausan ng eleksyon.