Nasa minimal risk classification na ang lahat ng rehiyon sa bansa dahil sa mababang kaso ng COVID-19.
Ayon kay Dr. Alethea De Guzman, Director ng DOH Epidemiology Bureau, nakapagtala ng negative two-week growth rate ang lahat ng island group sa bansa at average daily attack rate (ADAR) na 0.41 sa kada 100,000 populasyon.
Tanging ang Region 12 at Region 5 ang nakitaan ng bahagyang pagtaas ng mga kaso pero patuloy aniya itong binabantayan ng ahensya.
Patuloy din aniya ang downward trend sa aktibong kaso ng COVID-19 sa bansa.
Sa pagtaya ng DOH, posibleng maglaro sa pagitan ng 1,766 hanggang 9,338 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa bansa pagsapit ng katapusan ng Enero 2022.
Batay pa sa datos ng kagawaran, nananatiling nasa low risk ang health system capacity sa lahat ng rehi-yon sa Pilipinas, habang bumaba naman sa 14% ang case fatality rate mula December 1 hanggang 14.