Tiniyak ng Department of Foreign Affairs (DFA) na ligtas ang mga pilipinong naninirahan sa mga lugar na naapektuhan ng nangyaring lindol sa Indonesia.
Ayon kay DFA Assistant Secretary Eduardo Meñez, ang episentro ng lindol ay malayo sa Jakarta at Manado kung saan nananatili ang mahigit 8,000 mga Pinoy.
Aniya, ibinaba rin ng mga otoridad ang tsunami warning matapos ang dalawang oras.
Nitong martes nang tumama ang magnitude 7.3 na lindol sa East Nusa Tenggara Region at natukoy ang epicenter nito sa bahagi ng isla ng Flores.