Nasawi ang isang tanod sa Villasis, Pangasinan matapos siyang pagbabarilin sa harap mismo ng barangay hall.
Kinilala ang biktima na si Wilson Remoblas, tanod sa barangay Piaz.
Nakunan ng CCTV ang pagdating ng mga lalaki sa barangay hall na nagpaparesponde sa isang kaguluhan.
Ngunit nagkaroon ng komosyon nang bigla na lamang magpaputok ang isang lalaki na sinita ng tanod na humantong sa pamamaril.
Tinamaan ng bala sa dibdib at tiyan ang biktima na ikinasawi nito.
Sasampahan ng kasong murder ang suspek.