Nakarating na kay Pangulong Rodrigo Duterte ang umano’y iringan nina Secretaries Teodoro Locsin, Jr. ng foreign affairs at Francisco Duque, III ng health.
Ayon kay Acting Presidential Spokesman at Cabinet Secretary Karlo Nograles, agad silang magbibigay ng updates sa issue na kapwa kinasasangkutan ng dalawang cabinet secretaries.
Nilinaw ni Nograles na bagaman nakarating na kay Pangulong Duterte ang issue, hindi naman ito napag-usapan sa kanyang Talk to the People.
Magugunitang sinita ni Locsin si Duque nang itanggi ng DOH secretary na nawala ang oportunidad ng Pilipinas na makakuha ng milyong “vaccine syringes” mula sa Estados Unidos.
Inihayag ni Duque na ang kasunduan na makabili ang Pilipinas ng 50 million syringes mula Amerika ay nabasura dahil overpriced.