Lusot na sa ikatlo at huling pagbasa ang Senate Bill 2234 na layuning magtayo ng Department of Migrant Workers.
Sinertipikahang urgent ng Malakanyang ang naturang bill na pinaboran ng 20 senador habang walang nag-no at wala ring nag abstain.
Pinuri naman ni Senator Joel Villanueva, Chairman ng Senate Labor Committee at nag-sponsor ng naturang bill ang pagpasa nito sa senado.
Ayon kay Villanueva ang lilikhaing kagawaranang siyang tututok sa kapakanan at karapatan ng mahigit 10 milyong pilipino na nasa ibayong dagat bilang pasasalamat sa kanila.
Itatatag ang bagong kagawaran mula sa mga ahensya na nakalagak sa DOLE, DFA at iba pa. —sa ulat ni Cely Ortega Bueno (Patrol 19)