Ayon kay Senate Committee on Finance Chairman Senator Sonny Angara, ilan sa mga salient point ng inaprubahan nilang Bicam report ay ang amendment na ginawa sa budget ng DOH, NTF-ELCAC budget ng DOLE, DepEd at state colleges and universities.
Paliwanag ni Angara dinagdagan nila ng 20 hanggang 30 bilyong piso ang budget ng DOH para sa bakuna, booster, testing, special risk allowance ng mga health workers at iba pang programa.
Ginawang 16.5 billion pesos ang budget ng NTF-ELCAC, mula 10.5 billion pesos senate version.
Pagdating sa bakuna sinabi ni Angara na 45 to 50 billion pesos ang inilaang pondo sa ilalim ng program at unprogram.
Target na ratipikahan ang bicam report sa sesyon ng Senado at Kamara ngayong araw upang maipadala sa tanggapan ng pangulo at para malagdaaan bago mag pasko. —sa ulat ni Cely Ortega Bueno (Patrol 19), sa panulat ni Joana Luna